Pagkatapos ng pagpipinid ng Beijing Olympic Games, malawakang nagpalabas kamakalawa at kahapon ng artikulo ang mga medya ng mga bansang dayuhan na gaya ng Britanya, Pransya, Timog Aprika, Iran, Australya at E.U. para papurihan ang Beijing Olympic Games. Anila, ang gawain ng pag-oorganisa ng Beijing Olympic Games ay perpekto, maganda ang mga pagtatanghal sa seremonya ng pagbubukas at pagpipinid, mabunga ang resulta ng paligsahan ng Olimpiyada, ang mga ito ay may katuturan ng milestone.
Bukod dito, magkakahiwalay na pinapurihan ang gawain ng pag-oorganisa ng Beijing Olympic Games ng mga pangunahing medya ng New Zealand, Malta, Romania, Czech, Mexico, Bengal, Honduras, Singapore, Kambodya, Algeria, Kenya at iba pang bansa.
Salin: Andrea
|