Nitong ilang araw na nakalipas, patuloy sa pagbati ang mga kilalang tauhan at lider ng ibang bansa sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing Olympic Games at paghanga sa ambag ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino para rito.
Sinabi kahapon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na ginawa ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang walang-katulad na pagsisikap para sa Olimpiyada at natamo rin ang walang-katulad na tagumpay. Sinabi rin niyang ang Olimpiyadang ito ay nagparami ng diyalogo ng komunidad ng daigdig, nagpalalim ng pagkakaunawa sa isa't isa at nagkaloob ng mahalagang pagkakataon para mapasulong ang kapayapaan at harmonya ng daigdig.
Sinabi naman ni Juan Antonio Samaranch, pangulong pandangal ng International Olympic Committee, na ang Olimpiyadang ito ay pinakamabuti sa mga nagdaang Olimpiyada niyang nakita at ito rin ay isang di-pangkaraniwang Olimpiyada.
Salin: Ernest
|