Ipinatalastas ngayong araw sa Beijing ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dadalaw sa kanyang bansa si Wong Kan Seng, Pangalawang Punong Ministro ng Singapore.
Sinabi ni Qin na sa paanyaya ni Wang Qishan, Pangalawang Premyer ng Tsina, mula ika-2 hanggang ika-6 ng susunod na buwan, dadalaw si Wong sa Tsina para mangulo, kasama ni Wang, sa ika-5 pulong ng magkasanib na lupon sa bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa, ika-10 pulong ng magkasanib na lupong tagapagkoordina sa Industrial Zone sa Suzhou at unang pulong ng magkasanib na lupong tagapagkoordina ng lunsod na ekolohikal sa Tianjin.
Salin: Ernest
|