Iniabot kahapon ni Pan Guangxue, Embahador ng Tsina sa Laos kay Somsavat Lengsavad, Pangalawang Punong Ministro ng Laos, ang 100 libong dolyares na ipinagkaloob ng pamahalaang Tsino bilang tulong sa Laos sa paglaban sa baha.
Sa ngalan ng pamahalaan ng Laos, nagpahayag si Somsavat ng pasasalamat sa tulong ng Tsina.
Ipinahayag ni Pan na nakahanda ang pamahalaan at mga mamamayang Tsino na magkaloob ng kinakailangang tulong sa Loas para sa paglaban sa baha at pagpapanumbalik ng normal na pamumuhay sa lalong madaling panahon.
salin:wle
|