Mula ika-22 hanggang ika-25 ng darating na Oktubre, idaraos sa Nanning ng Guangxi ng Tsina ang ika-5 China-ASEAN Expo.
Napag-alaman ito ng mamamahayag mula sa isang preskong idinaos ngayong araw sa Beijing. Isinalaysay ni Li Jinzao, pangalawang tagapangulo ng Rehiyong Awtomono ng lahing Zhuang ng Guangxi, na itatatag ng 6 na bansang kinabibilangan ng Kambodya, Indonesya, Malaysya at Biyetnam ang kani-kanilang sariling pabilyon at lalaki nang marami ang bilang ng eksibit. Tataas ang kalawakan at kalidad ng mga kalahok na bahay-kalakal.
Salin: Andrea
|