Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Wang Zhifa, pangalawang puno ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina, na pagkatapos ng Beijing Olympic at Paralympic Games, lilitaw ang kasukdulan ng paglalakbay sa host at mga co-host cities at gumawa na ng lubos na paghahanda ang sektor ng turismo ng Tsina para tanggapin ang mga manlalakbay mula sa loob at labas ng bansa.
Ipinalalagay naman ng mga eksperto na dahil sa papel ng Beijing Olympic at Paralympic Games sa pagpapasulong ng turismo, sa loob ng susunod na dalawang taon, lilitaw ang kasukdulan ng paglalakbay sa Tsina at ang Beijing ay posibleng magiging lunsod sa buong daigdig na may pinakamaraming turistang dayuhan.
Salin: Liu Kai
|