Ayon sa resulta ng isang telephone survey na isinagawa kamakailan ng Beijing Social Facts and Public Opinion Survey Center sa mahigit 3 libong residente sa Beijing, ipinahayag ng 98.6% interviewee na ang Beijing Olympic Games ay isang Olimpiyadang mataas ang lebel. Ipinalalagay nilang ang Olimpiyadang ito ay hindi lamang nagpataas ng kalidad ng mga taga-Beijing, kundi rin nagpalalim ng ideya ng mga tao sa pangangalaga sa kapaligiran.
Ayon pa rin sa resulta, ipinalalagay ng mahigit 90% interviewee na ang tagumpay ng Olimpiyada ay salamat sa mabisang pag-oorganisa ng pamahalaan, masiglang paglilingkod ng mga boluntaryo at aktibong paglahok ng mga karaniwang mamamayan.
Salin: Liu Kai
|