Kasiya-siyang natapos kahapon sa Tianjin ang talastasan ng Tsina at Singapore hinggil sa malayang sonang pangkalakalan ng dalawang bansa, at opisyal na lalagda sa susunod na buwan ang dalawang bansa sa kasunduan ng malayang sonang pangkalakalan, at ito ay ibayo pang makakapagpasulong sa kanilang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at sa proseso ng integrasyon ng Silangang Asya.
Ang Singapore ay ika-7 pinakamalaking trade partner ng Tsina, at ang Tsina naman ay ika-3 trade partner ng Singapore.
Salin: Li Feng
|