Sinabi kahapon sa Hanoi ni Nong Duc Manh, pangkalahatang kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam, na umaasang patuloy na palalakasin ng Lalawigang Guangdong ng Tsina ang pakikipagkooperasyon sa Biyetnam sa larangan ng kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, enerhiya at iba pa para buong lakas na pasulungin ang tradisyonal na relasyong pangkaibigan at pangkooerasyon ng dalawang bansa.
Winika ito ni Nong sa kanyang pakikipagtagpo kay Wang Yang, kagawad ng Politburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at kalihim ng lupong panlalawigan ng partido sa Guangdong. Sinabi rin niyang mainam ang pag-unlad ng relasyon ng Biyetnam at Tsina. Anya pa, sa panahon ng pagdalaw niya sa Tsina noong Mayo ng taong ito, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng mga lider ng dalawang bansa na paunlarin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig at ito ay bagong progreso ng relasyon ng dalawang bansa at partido.
Pinasalamatan naman ni Wang si Nong na pinahahalagahan ang pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at Biyetnam at aktibong pinapasulong ang pagpapalagayan at pagtutulungan ng Guangdong at Biyetnam.
Salin:Sarah
|