• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-12 17:02:49    
Komunidad ng daigdig, pinapurihan ang Beijing Paralympics

CRI

Nitong nakalipas na ilang araw, patuloy ang mga opisyal at mamamayan ng ilang bansa at personahe ng mga organisasyong pandaigdig sa lubos na pagpuri sa pag-oorganisa ng Beijing Paralympics at ipinahayag nilang nagbigay ang Tsina ng namumukod na ambag sa usapin ng mga may-kapansanan sa buong daigdig.

Sinabi ni punong ministro Fakhruddin Ahmed ng Bangladesh na nanood siya ng mga seremonya ng pagbubukas at pagpipinid at mga paligsahan ng Beijing Olympic Games at nag-iwan ang mga ito ng malalim na impresyon sa kanya. Ipinahayag din niya ang pananabik sa gagawing pagdalaw sa Tsina at pagdalo sa seremonya ng pagpipinid ng Beijing Paralympics.

Sinabi naman ni George Kerford, tagapangulo ng Pandaigdig na Asosyasyon ng mga May-Kapansanan ng Organisasyong Di-Pampamahalaan ng Estados Unidos, na ang napakahusay na pag-oorganisa ng Tsina ng Paralimpikong ito ay pinapurihan ng maraming may-kapansanan sa daigdig.

Salin: Vera