Ipinahayag kahapon sa Yinchuan, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Ningxia ng Tsina, ni Korn Dabbaransi, tagapangulo ng Samahang Thai sa Pagkakaibigan ng Thailand at Tsina, na masagana at katangi-tangi ang yamang panturismo sa Ningxia at umaasa ang Thailand na makikipagkooperasyon sa Ningxia para magkasamang maggalugad ng naturang mga yaman.
Ayon sa planong pangkooperasyon na iniharap ni Korn, magkakaloob ang Thailand ng lahat ng pondong kinakailangan at mga tauhang tagapamahala sa turismo at paghahatian ng Tsina at Thailand ang matatamong pakinabang batay sa takdang proporsiyon.
Ipinahayag din ni Korn na kung may posibilidad sa kooperasyon, muling pupunta siya, kasama ng mga kompanyang panturismo ng Thailand, sa Ningxia para talakayin kung paaanong gagalugarin ang lokal na yamang panturismo.
Salin:Sarah
|