• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-14 16:19:28    
Pangulo ng APC: naisakatuparan ng Tsina ang parehong kahanga-hangan ng Beijing Olympics at Paralympics

CRI

Nang kapanayamin kahapon ng mamamahayag ng China Radio International (CRI), ipinahayag ni Dato Zainal Abu Zarin, pangulo ng Asian Paralympic Committee o APC, na pinakamaganda sa kasaysayan ng Paralimpiko ang Beijing Paralympics at naisakatuparan ng Tsina ang pangako ng parehong kahanga-hanga ng Beijing Olympic at Paralympic Games.

Sinabi ni Zarin na sa panahon ng Beijing Paralympics, nagkatagpo siya ng maraming atleta't opisyal sa Paralympic village at venues, hanggang sa kasalukuyan, hindi pa niya narinig ang anumang negatibong pagtasa sa Paralimpikong ito. Walang duda, pinakamaganda sa kasaysayan ang Beijing Paralympics.

Espesyal na nabanggit ni Zarin ang seremonya ng pagbubukas ng Paralimpikong ito. Sinabi niyang napakaganda ng seremonyang ito.

Bilang pangulo ng APC, ikinasisiya niya ang pagdaraos ng kasalukuyang Paralimpiko sa Asya, pinapurihan niyang gumawa ang mga taga-Bejing ng magandang halimbawa sa mga mamamayang Asyano, gumawa ang Beijing ng parahong napakalaking pagsisikap para sa Paralympic at Olympic Games, masasabing pinasulong nang malaki ng Paralimpikong ito ang pagsasagawa ng palarong pampalakasan ng mga may-kapansanan sa Asya, bagay na nakapagpadali sa pagsasagawa ng kanyang gawain. Ipinagmamalaki anya niya ang Beijing Paralympics.

Salin: Vera