|

Ipinatalastas kagabi ni Chang Wanquan, Punong Direktor ng Manned Space Flight Program ng Tsina, na matagumapay na nailunsad ang Shenzhou VII manned spacecraft at pumasok na ito sa itinakdang orbita para magsagawa ng ika-3 manned space flight ng Tsina.

Nanood si pangulong Hu Jintao ng Tsina ng buong proseso ng paglulunsad ng Shenzhou VII sa Jiuquan launch center at bumati siya sa tagumpay nito. Sinabi ni Hu na ang pagsasagawa ng misyong ito ay mahalagang siyensipikong aktibidad ng Tsina sa taong ito na may pinakamalaking pagkatawan at impluwensya.

Sa kasalukuyan, normal ang kalagayan ng mga astranout.
salin:wle
|