Nakipagtagpo kahapon sa Beijing si Li Yuanchao, minitro ng Departamento ng Pag-oorganisa ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, kay Goh Chok Tong, senior minister ng Singapore.
Ipinahayag ni Li na nitong ilang araw na nakalipas, mabilis na umuunlad ang relasyon ng Tsina at Singapore, mabunga ang kanilang mekanismong pangkooperasyon at mainam ang koordinasyon ng dalawang bansa sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig. Anya, ang kooperasyon ng dalawang bansa sa Suzhou Industrial Park at Tianjin Ecological City ay positibong nagpapasulong ng kanilang relasyon. Umaasa rin siyang ibayo pang palalakasin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa pagsasanay ng talento at pasusulungin ang pagpapalitan ng mga kabataan para makapagbigay ng mas malaking ambag sa pag-unlad ng kanilang bilateral na relasyon.
Ipinahayag naman ni Goh ang kahandaang gumawa ng mas maraming pagsisikap para mapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai
|