|
Ayon sa ulat ngayong umaga ng Beijing Space Command and Control Center, normal ang takbo ng Shenzhou VII manned spacecraft at kalagayan ng tatlong astronaut sa spacecraft na sina Zhai Zhigang, Liu Boming at Jing Haipeng.
Isinagawa kaninang umaga ng mga astronaut ang pagsusuri sa mga kasangkapan sa spacecraft at paghahanda para sa paglakad sa kalawakan.
Noong mga alas-1:30 ngayong hapon, sarado ang pinto ng return module ng Shenzhou VII at ito ay palatandaan ng pagsimula ng misyon ng space walk. Si Zhai Zhigang ay lalakad sa kalawakan.
Salin: Liu Kai
|