Sa panahon ng kanyang pagdalo sa ika-63 pangkalahatang asembleya ng UN, nakipagtagpo kahapon si ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina sa kanyang counterpart na Indones na si Hassan Wirayuda.
Ipinahayag ni Yang na nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig Indones, na mabuting ipatupad ang kanilang mga mahalagang proyekto sa enerhiya, imprastruktura at iba pang larangan at walang humpay na palalimin ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang panig sa iba't ibang larangan. Binigyan naman ni Hassan ng positibong pagtasa ang pag-unlad ng relasyong Sino-Indones at ipinahayag niya ang kahandaang palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga isyung panrehiyo't pandaigdig at ibayo pang pataasin ang lebel ng kanilang estratehikong partnership.
Nang araw ring iyon, nakipagtagpo rin si Yang sa mga ministrong panlabas ng Costa Rica, Hapon, Italya, Pakistan, Uruguay at Argentina at nakipagpalitan sa kanila ng palagay hinggil sa pagpapalakas ng bilateral na relasyon.
Salin: Vera
|