|
Patuloy sa pagbibigay ng positibong pagtasa ang medya ng iba't ibang bansa sa matagumpay na paglulunsad ng Tsina ng Shenzhou VII manned spacecraft at ipinalalagay nilang ito ay isa pang muhon ng Tsina sa larangan ng manned spaceflight.
Tinukoy ng pahayagang Nanyang Siang Pau ng Malaysia na ang matagumpay na paglulunsad ng Shenzhou VII ay nagpakita ng isang malaking pagsulong ng teknolohiyang pangkalawakan ng Tsina.
Anang pahayagang Mainichi Shimbun ng Hapon, papasok ang usaping pangkalawakan ng Tsina sa ika-2 yugto ng konstruksyon ng space station.
Ipinalalagay ng pahayagang Le Figaro ng Pransya na ang matagumpay na paglulunsad ng Shenzhou VII ay nagpatatag ng katayuan ng Tsina bilang malaking bansang pangkalawakan.
Ayon pa rin sa pahayagang Washington Post ng E.U., perpekto ang paglulunsad ng Shenzhou VII at ipinakikita rin ng misyong ito ang lubos na pagpapahalaga ng Tsina sa paggagalugad sa kalawakan.
Salin: Liu Kai
|