|
Mga alas-5 ngayong hapon, pagkatapos ng kanyang paglakad sa kalawakan, bumalik si astronaut Zhai Zhigang ng Tsina sa orbit module ng Shenzhou VII manned spacecraft. Ito ay palatandaang matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang space walk ng Tsina.

Nagsusuot ng space suit na sarilinang ginawa ng Tsina, nanatili si Zhai nang halos 20 minuto sa kalawakan at bumawi ng mga kagamitang pang-eksperimento sa labas ng spacecraft.

Ipinalalagay ng mga eksperto na sa pamamagitan ng tagumpay ng space walk, namaster ng Tsina ang mga teknolohiya para sa aktibidad sa kalawakan at ginawa ang isang malaking hakbang sa konstruksyon ng space station.
Salin: Liu Kai
|