|
Pagkaraan ng matagumpay na pagsasagawa ng mga astronaut sa Shenzhou VII manned spacecraft ng space walk, nakipag-usap ngayong hapon sa telepono sa kanila si pangulong Hu Jintao ng Tsina.
Ipinahayag muna ni Hu ang pagbati sa mga astronaut para sa kanilang tagumpay sa pagsasagawa ng space walk. Pagkaraang malaman ang kalagayan ng mga astronaut, sinabi ni Hu na ang tagumpay sa space walk ay bagong malaking breakthrough ng usapin ng manned spaceflight ng Tsina at ito rin ay namumukod na ambag ng mga astronaut sa usaping pangkalawakan ng bansa. Sa ngalan ng bansa at mga mamamayan, ipinahayag ni Hu ang pasasalamat sa mga astronaut at umaasa rin siyang kasiya-siya nilang isasagawa ang mga susunod na tungkulin.
Ngayong araw ay ika-3 araw ng pagtatakbo ng Shenzhou VII sa orbita. Nagsusuot ng space suit na sarilinang ginawa ng Tsina, nanatili si astronaut Zhai Zhigang nang halos 20 minuto sa kalawakan at bumawi ng mga kagamitang pang-eksperimento sa labas ng spacecraft. Ipinalalagay ng eksperto na sa pamamagitan ng tagumpay ng space walk, namaster ng Tsina ang mga teknolohiya para sa aktibidad sa kalawakan at ginawa ang isang malaking hakbang sa konstruksyon ng space station.
Nang araw ring iyon, inilabas din ng Shenzhou VII ang isang concomitant satellite na lumilipad sa palibot ng spacecraft para kumuha ng mga larawan nito.
Salin: Liu Kai
|