Nang makipagtagpo ngayong araw sa Tianjin kay Goh Chok Tong, senior minister ng Singapore, ipinahayag ni premyer Wen Jiabao ng Tsina ang pag-asang mapapalakas ng kapuwa panig ang koordinasyon para maigarantiya ang tagumpay ng kanilang proyekto ng Tianjin ecological city.
Sinabi ni Wen na ang pagtatayo ng naturang ecological city ay mahalagang hakbangin ng Tsina't Singapore para sa magkasamang pagharap sa pagbabago ng klima at pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad at mahalaga ang papel nito bilang halimbawa. Anya pa, nakahanda ang panig Tsino na palakasin ang kooperasyon nila ng panig Singaporean sa pagsasanay ng talento.
Ipinahayag naman ni Goh ang kahandaan ng Singapore na ibayo pang palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa eduksyon, pagsasanay ng talento at iba pang larangan at mas malalimang pasulungin ang kanilang kooperasyon.
Pagkatapos ng pagtatagpo, magkasamang dumalo sina Wen at Goh sa seremonya ng pagsisimula ng proyekto ng Tianjin ecological city.
Salin: Vera
|