• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-29 17:07:31    
Personaheng dayuhan, bumati sa tagumpay ng Shenzhou VII

CRI

Nitong nakalipas na ilang araw, sa iba't ibang paraan, bumati ang mga personahe ng iba't ibang sirkulo sa ibayong dagat sa tagumpay ng Shenzhou VII manned spaceflight mission.

Ipinalalagay ni Jean Francois Clervoy, opisyal ng European Space Agency, na ang matagumpay na kauna-unahang space walk ng astronaut na Tsino ay isang matagumpay na pagsubok sa proseso ng pagsusurvey sa kalawakan ng Tsina at naglatag ito ng pundasyon para sa pagtatatag ng space station sa hinaharap.

Sa pamamagitan ng iba't ibang tsanel, bumati sa tagumpay ng Shenzhou VII manned spaceflight mission sina pangulong Lee Myung-Bak ng Timog Korea, pangulong Choummaly Sayasone at punong ministro Bouasone Bouphavanh ng Laos, pangulong Asif Ali Zardari ng Pakistan, pangulong Omar Hasan Ahmad Al-Bashir ng Sudan, pangulong Faure Gnassingbe ng Togo at iba pa.

Kasabay nito, ikinasisigla ng mga overseas at ethnic Chinese ang tagumpay na ito. Sinabi ni Zhang Zhaoqing, tagapangulo ng pagdiriwang sa pambansang araw sa Myanmar, na ito ang tagumpay ng sulong na teknolohiya ng Tsina at napakalaking bunga ng reporma't pagbubukas sa labas ng bansa.

Bukod dito, idinaos ng mga overseas at ethnic Chinese sa Australia, Koweit at iba pang bansa, ang iba't ibang aktibidad bilang pagdiriwang sa tagumpay ng Shenzhou VII manned spaceflight.

Salin: Vera