• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-30 16:43:04    
Personaheng dayuhan, bumati sa tagumpay ng Shenzhou VII

CRI

Nitong nakalipas na ilang araw, sa iba't ibang paraan, bumati ang mga personahe ng iba't ibang sirkulo sa ibayong dagat, sa tagumpay ng Shenzhou VII manned spaceflight mission.

Sa pamamagitan ng iba't ibang tsanel, bumati sa tagumpay ng Shenzhou VII manned spaceflight mission sina pangulong Lee Myung-Bak ng Timog Korea, pangulong Choummaly Sayasone at punong ministro Bouasone Bouphavanh ng Laos, pangulong Asif Ali Zardari ng Pakistan, pangulong Omar Hasan Ahmad Al-Bashir ng Sudan, pangulong Faure Gnassingbe ng Togo at iba pa.

Nagpadala ng mesahe kahapon si Norodom Sihanouk, dating hari ng Kambodya, kay premiyer Wen Jiabao para magpahayag ng pagbati sa tagumpay ng Shenzhou VII. Ipinahayag niyang maalwan ang lahat ng salik, hinangaan ito ng buong daigdig.

Ipinalalagay din ni Jean Francois Clervoy, opisyal ng European Space Agency, na ang matagumpay na kauna-unahang space walk ng astronaut na Tsino ay isang matagumpay na pagsubok sa proseso ng pagsusurvey sa kalawakan ng Tsina at naglatag ito ng pundasyon para sa pagtatatag ng space station sa hinaharap.

Kasabay nito, ikinasisigla ng mga overseas at ethnic Chinese ang tagumpay na ito.

Salin:Sissi