Ayon sa ulat na ipinalabas kamakailan ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, sapul nang isagawa ang patakaran ng reporma't pagbubukas, karaniwang lumaki nang 7.1% taun-taon ang netong kita ng bawat magsasakang Tsino at umabot sa mahigit 4.14 libong Yuan RMB noong isang taon.
Anang ulat, mahigpit ang relasyon ng pagtaas ng kita ng magsasaka sa elemento ng patakaran, makro-ekonomiya, ideya sa paghahanap-buhay at iba pa. Ang pagpapasigla sa produksyon ng magsasaka sa pamamagitan ng patakaran ay mahalang elemento sa pagpapasulong ng pagtaas ng kita ng magsasaka. Nagpapasulong din sa tuluy-tuloy at matatag na pagtaas ng kita ng magsasaka ang pagpasok ng pambansang kabuhayan sa yugto ng mabilis na paglaki, pagpapasulong sa pagbabago ng ideya ng magsasaka sa paghahanap-buhay at pagpapabuti ng kapaligiran ng paghahanap-buhay ng magsasaka sa iba't ibang tsanel.
Salin: Jason
|