Napag-alaman ngayong araw ng mamamahayag mula sa sekretaryat ng China-ASEAN Expo na idaraos mula ika-20 hanggang ika-23 ng buwang ito sa Nanning ng Tsina ang porum sa mataas na antas ng kababaihan ng Tsina at ASEAN.
Dadalo sa porum na ito ang mga pananguhing namamahalang tauhan ng mga organo ng pamahalaan sa suliranin ng kababaihan ng mga bansang ASEAN at mga may kinalamang opisyal at dalubhasang Tsino.
Tatalakayin sa porum ang hinggil sa mga hamong magkakasamang kinakaharap ng mga kababaihan ng iba't ibang bansa at pag-aaralan ang katugong hakbangin para pragmatikong mapasulong ang kooperasyon ng kababaihan ng Tsina at ASEAN at ibayo pang mapalakas ang pagpapalitan ng kababaihan ng dalawang panig.
Salin:Andrea
|