Nakipagtagpo ngayong araw dito sa Beijing si Li Keqiang, pangalawang premiyer Tsino, kay Teo Chee Hean, ministrong pandepensa ng Singapore.
Sinabi ni Li na sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Singapore, nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Mabunga-bunga ang kanilang kooperasyon sa kalakalan, pamumuhunan, konstruksyon ng lunsod, pagtitipid ng enerhiya, pangangalaga sa kapaligiran at iba pang larangan.
Ipinahayag naman ni Tteo Chee Hean na nakahanda ang kanyang bansa na ibayo pang palalimin at palawakin ang pangkaibigang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan nila ng Tsina.
Salin: Sissi
|