• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-20 17:23:15    
Guangxi, aktibong pinapasulong ang konstruksyon ng komunikasyong nag-uugnay sa ASEAN

CRI

Sa unang sesyon ng pulong ng mga mataas na opisyal ng Tsina't ASEAN hinggil sa pagtutulungan sa puwerto na idinaos sa Guilin, lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog kanlurang Tsina, napag-alaman kahapon ng mamamahayag na aktibong pinapasulong ng Guangxi ang konstruksyon ng mga imprastruktura ng komunikasyon na nag-uugnay sa ASEAN.

Ayon sa plano ng pagpapaunlad ng Beibu Bay Economic Zone ng Guangxi na pinagtibay ng pamahalaang Tsino sa taong ito, sa aspekto ng pagtutulungang pangkomunikasyon, buong lakas na patataasin ng Tsina at ASEAN ang magkasamang pagtatayo at paggamit ng mga imprastruktura ng komunikasyon, enerhiya, patubig, impormasyon at iba pa. Maglalaan ang Guangxi ng halos 300 bilyong Yuan RMB sa konstruksyon ng network ng kommunikasyon at sa taong 2012, isasakatuparan ng Guangxi ang pag-uuganay sa mga kapitbansa nito sa pamamagitan ng daam-bakal, lansangan, nabigasyon, abiyasyon at iba pa.

Ipininid ngayong araw ang ang nasabing pulong na nilahukan ng mga opisyal ng mga departamentong pangkomunikasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN at ito rin ay isa sa mga aktibidad ng ika-5 China ASEAN Expo.

Salin: Jason