• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-22 11:22:41    
Pangalawang premyer Tsino, nakipagtagpo sa lider ng mga bansang Asean

CRI

Magkakahiwalay na nakipagtagpo kahapon sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa katimugan ng Tsina, si pangalawang premyer Wang Qishan ng Tsina kina punong ministro Hun Sen ng Kombodya, punong ministro Thein Sein ng Myanmar, pangalawang punong ministro Hoang Trung Hai ng Biyetnam at pangalawang pangulong Bounnang Vorachit ng Laos na kalahok sa ika-5 China-Asean Expo at China-Asean Business and Investment Summit.

Sinabi ni Wang na sa kasalukuyang bagong kalagayan ng lumalala nang lumalala na pandaigdigang krisis na pinansyal, nakahanda ang panig Tsino na magsikap, kasama ng iba't ibang bansang Asean para mapasulong ang kanilang bilateral na kooperasyon sa bagong antas at makapag-ambag para sa kasaganaan at katatagan ng rehiyong ito.

Bumati naman ang mga lider ng mga bansang Asean sa tagumpay ng Beijing Olympic Games at Shenzhou VII manned space flight, bumati rin sa natamong napakalaking bunga ng Tsina nitong nakalipas na 30 taon sapul nang isagawa ang reporma't pagbubukas sa labas. Ikinasisiya nila ang pag-unlad ng relasyong Sino-Asean at umaasang ibayo pang mapapalalim ang kaibigang pangkapitbansa at komprehensibong kooperasyon nila ng Tsina sa bagong kalagayan

Salin: Vera