• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-22 16:37:31    
Tsina, nakahandang ibayo pang palakasin ang kooperasyon nila ng ASEAN

CRI

Sa kanyang paglahok sa seremonya ng pagbubukas ng ika-5 Summit ng Tsina at Asean sa Negosyo at Pamumuhunan na idinaos ngayong araw sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog Tsina, ipinahayag ni Wang Qishan, pangalawang premiyer ng Tsina na sa kalagayan ng pagkalat ng pandaigdigang krisis na pinansyal at maliwanag na pagbagal ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, mahalagang mahalaga ang pagpapabilis ng pagpapasulong ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN.

Ipinahayag ni Wang na aktibong kinakatigan ng Tsina ang integrasyon ng kabuhayan ng ASEAN at paggagalugad sonang pangkabuhayan ng Beibu Gulf at patuloy at responsableng palalakasin ng Tsina ang koordinasyon at kooperasyon nila ng iba't ibang bansang ASEAN sa mga larangan ng pinansya, enerhiya, pangangalga sa kapaligiran, kaligtasan ng pagkaing-butil at iba pa para magkakasamang igarantiya ang matatag at malusog na pag-unlad ng kabuhayan at pinansya sa rehiyong ito.

Salin:Sarah