• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-22 16:38:42    
Ika-5 Summit ng Tsina at ASEAN sa Negosyo at Pamumuhunan, binuksan

CRI

Binuksan ngayong araw sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, ang ika-5 Summit ng Tsina at ASEAN sa Negosyo at Pamumuhunan.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Pangalawang Premyer Wang Qishan ng Tsina na mula noong unang summit, aktibo ang Tsina at ASEAN sa pagpapasulong ng pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan, pagpapalalim ng kooperasyong pangkabuhayan sa subrehiyon at pagpapasulong ng pagpapasimple ng pamumuhunan at kalakalan. Anya, noong unang 9 na buwan ng taong ito, umabot sa 180.4 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN at ang dalawang panig ay naging ika-4 na katuwang pangkalakalan ng isa't isa. Ipinahayag din niyang nakahanda ang Tsina na ibayo pang palakasin ang pakikipagtulungang pangkabuhayan at pangkalakalan sa ASEAN.

Sa kasalukuyang summit na may temang "malawak na pananaw at aktibong aksyon", tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa kooperasyon ng mga katamtamang laki at maliit na bahay-kalakal at kooperasyon sa pamumuhunan.

Salin: Andrea