• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-22 18:00:43    
Tsina at ASEAN, dapat magkasamang harapin ang krisis na pinansyal

CRI
Ipinahayag ngayong araw sa Nanning ni Chen Deming, ministro ng komersyo ng Tsina, na dapat palakasin ng Tsina at ASEAN ang kooperasyon para magkasamang harapin ang krisis na pinansiyal.

Sa kanyang paglahok sa seremonya ng pagbubukas ng ika-5 China-ASEAN Expo, sinabi ni Chen na ang pagpapalakas ng panrehiyong kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan at pagpapasasakatuparan ng kaunlaran at kasaganang may mutuwal na kapakinabangan ay komong hangarin ng Tsina at ASEAN. Sa kasalukuyang masalimuot na kalagayang pangkabuhayan ng daigdig at pagkalat ng krisis na pinansiyal sa buong daigdig, kinakaharap ng kaunlarang pangkabuhayan ng Tsina at ASEAN ang walang katulad na presyur at hamon. Sa panahong ito, dapat mahigpit na magtulungan ang dalawang panig para itatag ang may-harmonyang Asya.

Salin: Sissi