• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-23 09:34:36    
PM ng Tsina at Biyetnam, nag-usap

CRI
Nakipag-usap kahapon sa Beijing si premyer Wen Jiabao ng Tsina kay dumadalaw na punong ministro Nguyen Tan Dung ng Biyetnam.

Sinabi ni Wen na nakahanda ang Tsina, kasama ng Biyetnam, na pahigpitin ang pagtitiwalaan, palalimin ang pagtutulungan at pasulungin ang pagtamo ng mas malaking progreso ng komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng dalawang bansa para makapagdulot ng kapakinabangan sa kanilang mga mamamayan at mapasulong ang kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon. Umaasa rin siyang lulutasin ng dalawang panig sa lalong madaling panahon ang naiiwang isyu ng demarkasyon ng hanggahang panlupa.

Sinabi naman ni Nguyen na nakahanda ang Biyetnam, kasama ng Tsina, na panatilihin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, palakasin ang pag-uugnayan ng mga departamento sa suliraning panlabas, depensa, pagpapatupad ng batas at iba pa ng dalawang bansa, komprehensibong ipatupad ang iba't ibang narating na komong palagay at kasunduan ng dalawang bansa at palawakin ang kooperasyon sa mga larangan ng kabuhayan, kalakalan, konstruksyon ng imprastruktura, turismo at iba pa. Umaasa anya ang Biyetnam na magsisikap, kasama ng Tsina, para harapin ang pandaigdig na krisis na pinansyal. Ipinahayag din niya ang kahandaang maayos na lutasin ang isyung panghanggahan ng dalawang bansa.

Nang araw ring iyon, nakipag-usap din kay Nguyen si pangalawang premyer Li Keqiang ng Tsina.

Salin: Liu Kai