Ayon sa ulat na ipinalabas ngayong araw ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, sa taong 2007, umabot sa 7.7% ng pandaigdigang kalakalan ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina na pumapangatlo sa daigdig.
Ayon sa estadistika, sa taong 2007, lumampas sa 2.17 trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina na tumaas ng 104 beses kumpara sa taong 1978.
Kasabay nito, nangunguna sa daigdig ang Tsina pagdating sa paggamit ng puhunang dayuhan at mabilis din ang paglaki ng direktang pamumuhunan ng Tsina sa ibayong dagat na umabot sa 18.7 bilyong dolyares noong taong 2007.
?
|