Ayon sa ulat na ipinalabas ngayong araw ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas nitong 30 taong nakalipas, ang pangkalahatang puwersa ng bansa at impluwensiyang pandaigdig ng Tsina ay lumaki nang malaki.
Ayon sa datos, mula 1979 hanggang 2007, umabot sa 9.8% ang bahagdan ng karaniwang taunang paglaki ng GDP ng Tsina na mas malaki kaysa sa karaniwang pandaigdig na lebel na 3% lamang.
Sa kasalukuyan, pumapang-apat ang GDP ng Tsina sa daigdig na kasunod ng Estados Unidos, Hapon at Alemanya. Sa taong 2007, umabot sa 2360 dolyares ang taunang kita bawat mamamayang Tsino kumpara sa 190 dolyares noong taong 1978.
Noong isang taon, umabot sa 7.7% ng pandaigdigang kalakalan ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina na pumapangatlo sa daigdig.
Ayon sa estadistika, sa taong 2007, lumampas sa 2.17 trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina na tumaas ng 104 beses kumpara sa taong 1978.
Kasabay nito, nasa ikatlong puwesto sa daigdig ang Tsina pagdating sa paggamit ng puhunang dayuhan at mabilis din ang paglaki ng direktang pamumuhunan ng Tsina sa ibayong dagat na umabot sa 18.7 bilyong dolyares noong taong 2007.
Salin: Sissi
|