Ang Canton Fair ay talagang nagbukas ng pinto ng pagpapalitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at iba pang bansa. Sa unang Canton Fair na ginanap noong tag-sibol ng taong 1957, mahgit 1200 lamang mangangalakal mula sa labas ng Tsina ang lumahok at ang halaga ng transaksyon ng pagluluwas ay mahgit 17 milyong dolyares. Hanggang sa ika-103 Canton Fair na idinaos noong tag-sibol ng taong ito, mahigit 190 libong mangangalakal na dayuhan ang lumahok at ang halaga ng transaskyon ay 38.2 bilyong dolyares.
Kasabay nito, ang nilalaman ng Canton Fair ay nagbago nang malaki. Sinabi ni Ginoong Wen na nitong mga taong nakalipas, ang estruktura ng mga produkdong Tsino sa Canton Fair ay naging deberisipikasyon, sa halip ng nag-iisang lokal na katutubong produkto noon. At isinalaysay ni Me Xinyu na ang pagbabagong ito ay naganap kaalinsabay ng ginagawang pagsisikap ng Tsina sa pagpapabuti ng estruktura ng kabuhayan at pagbabago ng paraan ng pagpapalagi ng kabuhayan nitong maraming taong nakalipas.
Noong tag-sibol ng nakaraang taon, ang kabuuang ngalan ng Canton Fair ay pinalitan ng ika-101 China Import and Export Fair. Buong pagkakaisng ipinalalagay ng mga dalubhasa na ang pagbabago ng ngalan ng Canton Fair ay nagpakita ng aktibong pag-aangkop ng Canton Fair sa pagsaasayos ng patakaran ng Tsina sa kalakalang panlabas at naghahatid rin ng maliwanag na signal ng paghahanap ng Tsina ng pagkabalanse ng pagluluwas at pag-aangkat. Sa zona ng eksibisyon ng pag-aangkat ng ika-101 Canton Fair, sinabi ni Jan Wilson mula sa E.U. na:
"Ito ay isang malaking pandaigdigang perya at walang humapay na lumalaki ang saklawi nito. Makikita namin ang mga substansiyal na kliyente sa buong daigdig. Umaasa kaming makakatagpo ng isang kliyenteng may nakatagong lakas at isang ahente sa Tsina para mag-angkat ng produktong namin sa regular na paraan. "
Noong nakaraang taon, ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina ay lumampas ng 2 triyong dolyares at naging ikatlong pinakamalaking ekonomy sa daigdig. Ipinahayag ng kinauukulang namamahalang tauhan ng Ministring komersyal ng Tsina na sa bagong panahon, ipagkakaloob ng Canton Fair ang mas mabuting serbisyo sa mga larangang tulad ng pagbabago ng paraan ng pag-unlad ng kalakalang panlabas, pagpapabuti ng estruktura ng mga kalakal na iniluluwas at paglikha ng bantog na markeng Tsino.
Salin:Sarah
|