Ayon sa ulat na ipinalabas ngayong araw ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas, kasunod ng pagsasagawa ng patakaran ng pagpaplano ng pamiliya, ang proporsiyon ng populasyon ng Tsina sa kabuuang bolyum ng daigdig ay bumaba sa 20.1% noong isang taon mula sa 22.2% noong 1980.
Tinukoy ng ulat na sapul nang isagawa ang patakaran ng pagpaplano ng pamiliya, nabawasan ng mahigit 400 milyon ang paglaki ng populasyon ng Tsina at mula noong 1978 hanggang noong isang taon, 1.1% ang karaniwang paglaki bawat taon ng populasyon ng Tsina at sa gayo'y pumasok sa yugto ng matatag na paglaki.
salin:wle
|