• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-11-18 11:20:40    
Delegasyon ng CPC, kinatagpo ang hari at PM ng Kambodya

CRI
Magkahiwalay na kinatagpo kahapon ng delegasyon ng Partido Komunista ng Tsina o CPC na pinamumunuan ni Zhang Gaoli, kagawad ng pulitburo ng Komite Sentral ng CPC at party secretary ng Lunsod ng Tianjin, sina haring Norodom Sihamoni at punong ministro Hun Sen ng Kambodya.

Sa pagtatagpo nila ni Sihamoni, pinasalamatan ni Zhang ang pagsisikap ni Sihamoni sa pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at Kambodya at ipinahayag niyang patuloy na kakatigan ng kanyang bansa ang kasarinlan, kapayapaan, rekonstruksyon at kaunlaran ng Kambodya. Sinabi naman ni Sihamoni na nagkakaroon ang Kambodya at Tsina at kanilang mga mamamayan ng tradisyonal na pagkakaibigan at komprehensibong partnership at mananangan ang kanyang bansa sa patakarang isang Tsina.

Sa pagtatagpo nila ni Hun Sen, ipinahayag ni Zhang na nakahanda ang Tsina, kasama ng Kambodya, na walang humpay na pasulungin ang kanilang relasyon. Ikinasisiya naman ni Hun Sen ang walang humpay na pagtamo ng progreso ng komprehensibong partnership ng dalawang bansa at binigyan niya ng mataas na pagtasa ang papel ng kabuhayang Tsino sa pagharap sa pandaigidg na krisis na pinansyal.

Salin: Liu Kai