Nitong 30 taong nakaliapas sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, ang bilang ng mahirap na populasyon sa kanayunan ng Tsina ay bumaba sa 14.79 milyon mula 250 milyon at bumaba nang mahigit 90%.
Ipinahayag ngayong araw dito sa Beijing ni Wang Guoliang, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng Leading Group ng Konseho ng Estado ng Tsina sa Pagbibigay-tulong sa mga Mahihirap, na maliwanag na tumaas ang netong kita ng bawat magsasaka sa mahirap na rehiyon sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kabuhayan at espesiyal na proyekto ng pagbibigay-tulong at iba pa, at maliwanag na bumuti ang kanilang kondisyon ng produksyon at pamumuhay. Ayon sa datos na ipinalabas ng World Bank noong 2007, nitong 25 taong nakaliapas, ang 67% bunga ng pagbabawas sa karalitaan sa buong daigdig ay mula sa Tsina.
salin:wle
|