Ipinalabas ngayong araw ng People's Daily, pinakamalaganap na pahayagan ng Tsina, ang komentaryo bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng reporma't pagbubukas ng bansa.
Anang komentaryo, 30 taon na ang nakaraan, idinaos sa Beijing ang ika-3 sesyong plenaryo ng ika-11 komite sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC na kung saan ipinasiya ng CPC na makapokus sa pagpapasulong ng sosyalistang modernisasyon sa pamamagitan ng reporma't pagbubukas sa labas.
Nitong 30 taong nakalipas, buong-higpit na nananangan ang sambayanang Tsino sa pagpapasulong ng pambansang kabuhayan at itinuturing ang reporma't pagbubukas sa labas bilang lakas na nagpapasulong ng pambansang kaunlaran at salamat dito, umani na ang Tsina ng mga kahanga-hangang bunga.
?
|