• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-12-18 15:51:48    
Reporma at pagbubukas sa labas, masusing pagpili ng kapalaran ng Tsina

CRI

Binuksan ngayong umaga sa Beijing ang pulong bilang paggunita sa ika-30 anibersaryo ng reporma't pagbubukas sa labas ng Tsina at binigyan-diin ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina na ang patakarang reporma't pagbubukas sa labas ay masusing pagpili para sa kapalaran ng Tsina.

Noong ika-18 hanggang ika-22 ng Disyembre ng 1978, idinaos sa Beijing ang ika-3 sesyong plenaryo ng ika-11 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, naghaharing partido ng bansa, na kung saan ipinasiya ng CPC na ilatag ang bagong sosyalistang landas na may katangiang Tsino at nagtatampok sa reporma at pagbubukas sa labas.

Sinabi ni Hu na dahil sa pagpapasulong ng pagsasagawa ng reporma't pagbubukas sa labas, matagumpay na naisakatuparan ng Tsina ang dakilang makasaysayang pagbabago mula planned economic system?matagumpay na naisakatuparan ang pagbabago mula pagpipinid o kalahating pagpipinid tungo sa komprehensibong pagbubukas, tumaas ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng Tsina sa mahigit 2.17 trilyong dolyares noong isang taon mula mahigit 20 bilyong dolyares noong 1978; tumataas ang pangkalahatang puwersang pang-estado sa bagong antas at lumaki ang GDP sa halos 25 trilyong yuan RMB mula mahigit 360 bilyong yuan RMB noong 1978 at ang pangkalahatang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan ay umabot sa may kaginhawahang antas.

Ipinahayag din ni Hu na dapat patuloy na pasulungin ang reporma at pagbubukas sa labas.

salin:wle