• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-01-16 09:30:27    
Resepsyon bilang pagdiriwang sa anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina't Biyetnam, idinaos

CRI

Naghandog kagabi ng resepsyon ang kanyang kamahalan na si Sun Guoxiang, Embahador na Tsino sa Biyetnam, bilang pagdiriwang sa ika-59 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina't Biyetnam.

Sinabi ni Embahador Sun na sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, lumalalim ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan. Aniya, ang pagtatapos ng demarkasyon at pagtatayo ng boundary tablet ay nagsisilbing muhon sa relasyong Sino-Biyetnames.

Ipinahayag naman ng panig Biyetnames ang pananalig na sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap, mapapatatag at mapapalago ang komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon ng Tsina't Biyetnam.