Dumating kahapon ng hapon, local time, ng Bamako, kabisera ng Mali si pangulong Hu Jintao ng Tsina para pasimulan ang kanyang kauna-unahang dalaw-pang-estado sa bansang ito sa kanlurang Aprika.
Sa kanyang nakasulat na talumpati sa paliparan, ipinahayag ni Hu na nitong nakalipas na 49 na taon sapul nang itatag ng Tsina at Mali ang relasyong diplomatiko, humihigpit ang pagkakaibigan ng dalawang bansa at mabunga ang kanilang kooperasyon sa iba't ibang larangan. Anya, pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon nila ng Mali at nakahandang patuloy na pasulungin, kasama ng Mali, ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.
Sinalubong sa paliparan si Hu ni Pangulong Amadou Toumani Toure ng Mali at ng mga mahalagang opisyal ng bansang ito.
Salin: Ernest
|