Nitong ilang araw na nakalipas, lubos na sinubaybayan ng mga pangunahing medya ng Saudi Arabia na gaya ng mga pahayagan, TV station at website ang pagdalaw ni pangulong Hu Jintao ng Tsina at isinagawa ang lubos na pagkokober at positibong pagtasa dito.
Anang mga artikulo ng mga pahayagan na gaya ng Al Riyadh, Arab News Newspaper at Al Hayat, matagal ang kasaysayan ng pagkakaibigan ng dalawang bansa at nitong ilang taong nakalipas, mainam ang kanilang estratehikong relasyong pangkaibigan. Anila, lalawak nang lalawak ang kooperasyon ng Saudi Arabia at Tsina sa hinaharap at dadalas pa ang kanilang direktang pagpapalagayang pangkalakalan at magpapalalim ang mga ito ng relasyon ng dalawang bansa. Binigyang-diin din ng mga artikulo na kapuwa natamo ng dalawang bansa ang kapansin-pansing progreso sa mga larangan ng kabuhayan, pulitika at siyensiya.
Salin: Ernest
|