Ipinasiya ngayong araw ng pulong ng pirmihang lupon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC na idaraos sa ika-3 ng susnod na buwan sa Beijing ang ika-2 sesyon ng ika-11 pambansang lupon ng CPPCC.
Iminungkahi ng pulong na ito na ang pangunahing ahenda ng taunang sesyong ito ay pakikinig at pagsusuri sa working report ng kasalukuyang pirmihang lupon ng CPPCC at ulat hinggil sa kalagayan ng paghawak ng mga proposal mula noong unang sesyon at paglahok sa ika-2 sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina para sa pakikinig at pagtalakay ng working report ng pamahalaan at mga iba pang ulat.
Salin: Ernest
|