• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-03-02 16:31:21    
Taunang sesyon ng CPPCC, tatalakayin ang epekto ng pandaigdig na kalagayang pangkabuhaya't pampulitika sa Tsina

CRI

Idaraos bukas sa Beijing ang taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC. Isiniwalat kamakailan ni Zhao Qizheng, kagawad ng CPPCC at tagapagsalita ng kasalukuyang sesyon, na sa taunang sesyon sa taong ito, ang nilalaman ng pagtalakay ay may kinalaman sa hindi lamang mga isyung panloob ng Tsina, kundi rin mga epekto sa Tsina na dulot ng pandaigdig na kalagayang pampulitika at pangkabuhayan.

Sinabi ni Zhao na,

"Ang kasalukuyang taon ay isang espesyal na taon. Ang pandaigdig na krisis na pinansyal ay nakakaapekto sa Tsina at hindi maiiwasan ang naturang epekto. Mahalaga na ang papel ng Tsina sa pandaigdig na arenang pangkabuhayan at pampulitika, kaya nakakaapekto sa isa't isa ang Tsina at daigdig. Dahil dito, tatalakayin ng CPPCC hindi lamang ang mga isyung panloob ng bansa, kundi rin ang epekto ng pandaigdig na kalagayang pampulitika at pangkabuhayan sa kabuhayang Tsino."

Isiniwalat din ni Zhao na ang nilalaman ng karamihan sa mga natanggap na proposal ng mga kagawad sa kasalukuyang sesyon ay may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan na gaya ng pagharap sa krisis na pinansyal, pagdaragdag ng hanapbuhay at pagbibigay-pansin sa mga rural labourer.

Salin: Vera