Sinabi ngayong araw ni Zhao Qizheng, tagapagsalita ng ika-2 taunang sesyon ng ika-11 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC, na hanggang kaninang tanghali, tinanggap ng sekretaryat ng kasalukuyang sesyon ang 265 proposal at ang paksang pangkabuahyan ay tampok ng mga proposal.
Sinabi ni Zhao na ipinalalagay ng maraming kagawad ng CPPCC na dapat wasto at makatwirang gamitin ang 4 na trilyong yuan RMB na plano ng pagpapasigla ng kabuhayan na iniharap ng pamahalaang sentral, dapat iwasan ang pag-uulit ng konstruksyon at isagawa ito na makakabuti sa suliranin ng estado at pamumuhay ng mga mamamayan.
Sinabi pa niyang mataas na pinahahalagahan ng mga kagawad ng CPPCC ang resesyon ng kalakalang panghanggahan at binibigyan-pansin ang kung papaanong mapapalawak ang kalakalang panghanggahan. Bukod dito, sinusubaybayan din ng mga kagawad ang pagpapalawak ng hanapbuhay, pagbabawas ng pagkakaiba ng lunsod at nayon at iba pang isyu.
Salin: Vera
|