• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-03-03 19:30:58    
Consul General ng Embahada ng Pilipinas sa BJ, nagkoment sa sesyon ng CPPCC

CRI

Sina Consul General Maria Hellen Barber (kaliwa) at Consul Evangeline Ong Jimenez-Ducrocq

Ang kanyang kamahalan na si Ginang Maria Hellen Barber, Minister at Consul General ng Embahada ng Pilipinas sa Tsina ay isa sa mga sugong dayuhan na inanyayahang pakinggan ngayang araw ang talumpati ni G. Jia Qinglin, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC, kataas-taasang organong tagapayo ng Tsina.

Sa lugar na pinagdarausan ng sesyon ng CPPCC, nakatagpo ng mamamahayag ng Serbisyo Filipino ng CRI si G. Barber at kinapanayam siya. Sinabi ni Ginang Barber na salamat sa pagkakataong ito, nalaman ng panig Pilipino ang pananaw ng standing committee ng CPPCC para sa taong 2009, lalung lalo na hinggil sa international foreign relations at iminungkahi niyang magkasamang umaksyon ngayon ang Tsina't Pilipinas para tingnan kung papaanong makikinabang ang dalawang bansa sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Pilipino.