Sa news briefing na idinaos ngayong araw dito sa Beijing, ipinahayag ni Li Zhaoxing, tagapagsalita ng ikalawang pulong ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC, na masayang nakikita niya ang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang at umaasang bibisita sa Taiwan sa lalo madaling panahon.
Nang sagutin ang tanog ng mamamahayag na Taywanes, sinabi ni Li na sa isang talumpati kamakailan ni Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng partido Komunista ng Tsina, maliwanag na ipinahayag ni Hu, na umaasang maisasakatuparan ang normalisasyon ng relasyong pangkabuhayan ng magkabilang pampang, mapapasulong ang kanilang kooperasyong pangkabuhayan at iba pa. Nakahanda ang mainland ng Tsina na makipagpalitan at makipagkooperasyon sa Taiwan para aktibong mapasulong ang mga ito.
Salin:Sarah
|