Binuksan ngayong araw dito sa Beijing ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) — pinakamataas na organong pangkapangyarihan ng Tsina. Ipinalabas ang Government Working Report ni Premiyer Wen Jiabao, at tinukoy niyang sa mga gawain ng pamahalaan sa taong ito, dapat ipauna ang pagharap sa pandaigdigang krisis na pinansyal at pagpapasulong ng matatag at mabilis na pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Ang reporta ay nagpapakita ng kompiyansa ng Tsina sa pagharap sa pandaigdigang krisis na pinansyal.
salin:wle
|