Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni premiyer Wen Jiabao ng Tsina na patuloy na palalalimin ang aktuwal na pakikipagkooperasyon sa iba't ibang bansa ng daigdig para magkakasamang pigilin ang pagkalat ng pandaigdigang krisis na pinansiyal at mapasulong ang reporma ng pandiagdigang sistemang pinansiyal, tutulan ang proteksiyonismo ng kalakalan at pamumuhunan at mapasulong ang pagpapanumbalik ng pandaigdigang kabuhayan.
Sinabi ni Wen na sa bagong taon, patuloy na patataasin ng Tsina ang bandila ng kapayapaan, pag-unlad at kooperasyon, igigiit ang mapayapang pag-unlad, at igigiit ang sariling mapayapang patakarang diplomatiko, pananatilihin ang pagpapasulong ng bukas na estratehiya ng mutuwal na kapakinabangna, palalakasin ang pangkaibigang pagpapalitan para lumikha ng mabuting kapaligirang panlabas para sa matatag at mabilis na pag-unlad ng kabuhayang panloob.
|