Nang kapanayamin ng media si Wu Dawei, pirmihang kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC at pangalawang ministrong panlabas ng Tsina na kalahok sa ikalawang pulong ng ika-11 CPPCC, sinabi niyang ang Tsina at mga bansang Aprika ay nagsasagawa ng kooperasyong pangkabuhayan na may mutuwal na kapakinabangan at hindi ito colonialism.
Sinabi ni Wu na sa kasalukuyan, sa proseso ng pagsasagawa ng pakikipagkooperasyong pangkabuhayan sa mga umuunlad na bansa na kinabibilangan ng mga bansang Aprikano, isinagawa ng Tsina ang medelo na pamuno ng pamahalaan, pagtatakbo ng pamilihan at paglalahok ng mga bahay-kalakal. At ito ay isang modelong pangkooperasyon na may mutuwal na kapakinabangan.
Salin:Sarah
|